Sa lugar na tatlong punto nagtatagpo
Aking naiisip at napagtatanto
Lahat nang aking dinaanan
Tungo sa kinakasadlakan
Mariin ko pa ring pinagluluksa
Mga kaibigan na sa daan nawala
Pag ibig na hindi nagbunga
At mga pangyayaring natapos sa "ano kaya?"
Akala ko habang buhay ko nang sumpa
Na iisipin ang mga bagay na nawala
Pero habang ang buhay at dumadaloy
Mas nakikita ko dahilan nang pagpapatuloy
Mga kaibigang nawala at aking pinanghawakan
Ay nawala ng isang iglap lamang
Ngunit nagbigay silang daan
Para sa mga tunay at hindi ako iiwanan
Pag ibig na hinabol ko noon
Na hiniling kong iba ang sitwasyon
Ay akin lamang ngayong pinagpapasalamat
Sapagkat nakilala ko na ang inilaan ng tadhana
Marahil isang ibang pitik o desisyon
Ay iba ang aking isip at sitwasyon
Sa mga daan na aking nalampasan
Kasama ang ibang tao na pinakisamahan
Kaya salamat na rin sa mga nawala
Mga tao noon na pinagdadasal ko pa
Dahil kung ipinilit ko pala ang hindi nakatakda
Baka hindi ako ganito kasaya
No comments:
Post a Comment