Sunday, March 31, 2024

Day 91 of 366: Caviteña




Yakap ng lalawigan ang sumalubong
Habang hawak hawak ko ang pasalubong
Ramdam ang pagod sa mahabang byahe
Alangan pa ang dalang pamasahe
Pawis sa noo ay namumuo
Kamay ay pasmado
Pusong mabilis ang tibok
Kalamnan ay tila sinusuntok
Sa oras na nga ako hapit
Bigla naman naipit sa traffic
Noo'y namumula
Init ay alintana
Aircon ay nilakasan
Tila pa rin sinisilaban
Habang init ay iniinda
Kaba ay nadarama
Hindi ko namalayan
Nandito na ko sa patutunguhan

Kaba ay nalimutan 
Nang agad kang nasilayan
Ngiti mong kuminang
At pagod sa aking katawan
Ay biglaan naglisan
Grabeng galak ang nadama
Nang makita na kita
Mahabang byahe ay di na iniinda
Dahil ikaw na ay kasama

Dito ko napagtanto
Na di mag isa ang nais ko
Sadyang di ko pa kilala noon
Ang sakin ay magtuturo
Kung paano ibigin 
Nag pag libot ng mundo
At ngayon nakilala ko na sya
Nais kong makita mundo kasama siya


Saturday, March 30, 2024

Day 90 of 366: Isang Taon ang Nakalipas


Isang taon ang nakalipas
Sitwasyon ko'y ibang iba
Kauuwi lamang mula sa ibang isla
Ang saya ay damang dama
May kislap pa sa mga mata
At pag asang nadarama
Kulay ng mundo ay matingkad
Ramdam ko pa ang pag usad
Grabe ang galak na aking nadama 
Sa araw na ito, isang taon ang nakalipas
Sa pisngi ang ngiti ko ay humuhulma
Tila walang parating na sakuna
Kung alam ko lang paglaon
Buhay ay yayanig tulad ng mga alon
Kung alam ko lang ang mga mawawala
Ganito pa rin kaya ako kasaya?
Sa dami nang nawala 
At pinagdaanang pagdurusa
Minsan di ako makapaniwala
Na ako ay buhay pa
Mensahe sa isang taon na mula ako
May bahaghari sa dulo
Hindi ka habang buhay magdurugo
May makikilala ka
Na higit sa iyong iniiyakan
May mga oportunidad
Na higit diyan sa kumawala
May makikilala kang
Mga kaibigan na mas tapat
Mabuti pala
Na kahit akala ko ay katapusan
Ay pinili kong lumaban
Hanggang sa sukdulan

Friday, March 29, 2024

Day 89 of 366: Mainit talaga



Sobrang init talaga
Kwelyo ko ay basa
Aircon ay walang bisa
Hangin ay maalinsangan
Tiyan ay may kabigatan
Dahil habang naiinitan
Lalo lamang
Umaatake ang kagutuman
Pero mainit talaga

Thursday, March 28, 2024

Day 88 of 366: Ang Init sobra




Tila naliligo sa sarili kong pawis
Nagising nang iritable at inis
Basang basa ang aking damit
Kaya mabilis akong nagpalit
Temperaturang kay taas
Kaya ako'y binabanas
Init sa loob ng katawan
Tumutugma sa kapaligiran
Nakakahilong nakakaliyo
Ang pakiramdam sa init na ito
Aircon ay di umuubra
Tila mainit pa binubuga
Kailangan ko lumublob
O kaya maligo nang malugod
Pagka't di ko ata kakayanin
Ang init dito sa amin

Wednesday, March 27, 2024

Day 87 of 365: Bakasyon



Wala akong ginawa maghapon
Alam ko may dapat ako tapusin 
O dapat habulin na trabaho
Pero ginawa ko lamang ay naglaro
Kaya hindi rin nakapahinga
Hati ang isip sa dapat gawin
Kaya imbis na matuwa
Sa dumating na pahinga
Kabado lamang
At mas nagugulumihanan
Susubukan ko kumalma 
At isip ay itahimik
Ang gulo na nga nang nasa isip ko
Bahala na kayo sa iisipin niyo 

Tuesday, March 26, 2024

Day 86 of 366: Familiar Feeling



Amidst chaos and kindness
My heart have always fluttered
Forever I, am attracted to flames
Despite feeling all the same
So apologies if I stand proud
And never let my guard down
As in the times I've let myself
Feel what I truly felt
The rug was pulled underneath
As they all turn their backs to me
But with bleeding hand
I wished to reached out
Only to be ridiculed
Of the mess I did
So now I shut the world away
Not caring what it will say
And in these moments if darkness
There's someone shining brightest 

Monday, March 25, 2024

Day 85 of 366: Masakit Ulo Ko



Sa may bunbunan
Ay nadarama
Kaunting pintig pitig
Sakit na pumipitik pitik
Paningin ay lumalabo
Bumibigat ang ulo
Sakit sa noo nangtitipon
Habang akong sinisipon
Bumibigay na ba
Ang aking katawan
Ito ba'y nagmamakaawa
Na magkaroon ng pahinga
Masyado ko bang naabuso
Ang kapasidad ko
Kaya ako'y sinisingil
Nang unti unting sakit
Nais ko naman mamahinga
Sadyang marami ang ginagawa
Hindi ko rin alam 
Kung anong pahina
Ba ang aking kailangan
Yung simple lang ba
Na paghinga ng katawan
Or yung nangangailangan
Nang kalmadong isipan

Sunday, March 24, 2024

Day 84 of 366: Sa Pagkakataong Ito



Kahit sa panaginip
Pagod ang iniisip
Imbis na namamahinga
Ako'y nagtatrabaho pa
Di umaalis ang kinaiinisan
Mga bagay na dapat kalimutan
Mga hindi dapat indahin
Ay sadyang nagpapapansin

Pero sa pagkakataong ito
Hindi ako trahabador
Hindi ako alipin ng sistema
Bagkus isa lang akong pangkaraniwan
Na mamamayan
Na sadyang namumuhay
Sa pagkakataong ito
Sa ganda ng nakikita ko
Kahit sa sandaling ito
Hindi ako dapat nagtatrabaho

Saturday, March 23, 2024

Friday, March 22, 2024

Day 82 of 366: Stardew Valley



A year ago I left you behind
Chased better things in mind
Lost myself among the chaos
I did things, to chase off foes

Then when my heart was in place
I found you again, in perfect shape
And all the sparks have flew
You are more beautiful than the day I left you

So I sat down, hands shivering
Not knowing what I should be doing
But as I held you like before
It's as if I never left the door

It felt so natural as we dance
Feeling like a student back in class
Then I was left in trance
Regretting what I left in the past

But now as I hold you dear
I have lost all my fears
For all the things I regretted
I am back to where we started

Thursday, March 21, 2024

Day 81 of 366: Point



Bit by bit I'm finding all this pointless
Our goal seems too far fetched
Blindly doing what is there
Hoping that it will fall in place

Piece by piece I'm feeling all the fallout
Sun's close, I'm feeling close to burnout
Will there be point it this
Or just another pointless exercise

Fear and doubt I feel crawl in my skin
I have no words for anything that I feel
Maybe things will fall in place
But today is not that day

Wednesday, March 20, 2024

Day 80 of 366: Mga Hakbang na hindi ko maiapak



Isang desisyon
Isang maling hulog
Isang puyat sa gabi
O isang minuto at sandali
Marahil maraming nabago
Sa aking kinasadlakan
Mabuti o masama man ito
Ito ang ibinahagi ng tadhana
Nakakatawang isipin
Iba ang aking dapat sasapitin
Kung sa isang gabi
Ay mas maaga ako umuwi

Tuesday, March 19, 2024

Day 79 of 366: Rurok



Pagod kong nasa rurok na
Sakit sa ulong nasa tuktok pa
Bawat sulok ng katawan may iniinda
Hindi alam anong kailangang pahinga
Walang talon ng ligaya
Bawat pagsubok na malalampasan
Bagkus pagaalala
Sa mga bagay na susunod pa

Lahat naman ay natatapos
Hindi habang buhay ang unos
Bagama't mayroon lapnos
Hindi palaging hikahos

Monday, March 18, 2024

Day 78 of 366: Back pain



Never will I dignify
The attacks with a response
They will all simply fly
While I do what I must have
Again I feel this frustration
But you will never get the satisfaction
Of breaking me into
The kind of monster you thought
Deny me all you want
The truth will eventually come
And as you push these useless chores
Remind you, I am not as kind as before 

Sunday, March 17, 2024

Day 77 of 366: Checkpoint



Sa lugar na tatlong punto nagtatagpo
Aking naiisip at napagtatanto
Lahat nang aking dinaanan
Tungo sa kinakasadlakan

Mariin ko pa ring pinagluluksa
Mga kaibigan na sa daan nawala
Pag ibig na hindi nagbunga
At mga pangyayaring natapos sa "ano kaya?"

Akala ko habang buhay ko nang sumpa
Na iisipin ang mga bagay na nawala
Pero habang ang buhay at dumadaloy
Mas nakikita ko dahilan nang pagpapatuloy

Mga kaibigang nawala at aking pinanghawakan
Ay nawala ng isang iglap lamang
Ngunit nagbigay silang daan
Para sa mga tunay at hindi ako iiwanan

Pag ibig na hinabol ko noon
Na hiniling kong iba ang sitwasyon
Ay akin lamang ngayong pinagpapasalamat
Sapagkat nakilala ko na ang inilaan ng tadhana

Marahil isang ibang pitik o desisyon
Ay iba ang aking isip at sitwasyon
Sa mga daan na aking nalampasan
Kasama ang ibang tao na pinakisamahan

Kaya salamat na rin sa mga nawala
Mga tao noon na pinagdadasal ko pa
Dahil kung ipinilit ko pala ang hindi nakatakda
Baka hindi ako ganito kasaya

Saturday, March 16, 2024

Day 76 of 366: Path of Least Resistance



I wish it was quieter
And the path was easier
In search of the path
Of least resistance
There I found the most
Troubles that caused

I wish my younger years
Were forgiven 
The same way
Others had that luxury
Things I tried to change
And even improve
I wish they were forgotten
In my life removed

But this is the hand I'm dealt with
As the top is in sight
Struggles come and go
As life will give you more fights
I wish what other people say is true
That all this will bear fruit
But for now all this I will take
As I feel my body ache

Friday, March 15, 2024

Day 75 of 366: Food Review (1)


Chicken wings:

Salted egg
- maalat sya at dry

Garlic something
- maalat sya at dry

Cheese
- maalat at may texture

Ice tea
- ayos lang

Nachos
- lasang shawarma

Kanin
- lasang kanin

Overall
8/10

Thursday, March 14, 2024

Day 74 of 366: Noises



How I hated this feeling
Isolated beyond meaning
Even with a hundred voices
They all sound like white noise
Like a sharp, shrill music
In your ears piercing
While the noises around overwhelming
As you feel your body shaking
And every joint in your body
All aches very differently
You try ro get by with the discomfort
With no one to resort

This is all but familiar
Million times I've been here
Being here times a million
It all goes back to being alone

And all the chaos go ahead
Along with those in my head

Wednesday, March 13, 2024

Day 73 of 366: Tapos



Hindi tagumpay ang nadarama
Bagkus bigat nang paghinga
Imbis na saya maisip
Nabunutan lamang ng tinik

Wala akong nadarama
Na kahit kaunting saya
Bigat lang na nawala
Sa aktibidad na lumipas na

Hindi ko alam kung maayos 
O basta na lang natapos
Oras ay lumipas
Sadyang nagwakas

Tuesday, March 12, 2024

Day 72 of 366: Ayos naman



Wala namang nangyaring masama
Oo, kaunting pagkadismaya
Sana mga bagay naayos ko pa
Pero ayun na eh
Ayun yung alam ko
Sa ganung pagkakataon
Kaya imbis na ikastigo
Ang sarili sa noon
Magpapagpag ako ng alikabok
Ay muling susubok

Monday, March 11, 2024

Day 71 of 366: Bilis ng Byahe



Sa bilis ng byahe d mo namalayan
Daloy ng panahon lumilisan
Mga isip na iniiwasan
Ay isa isang nagbabalikan
Tuloy tuloy na pag agos
Na tla hindi matatapos
Tingin sa malayo man ay kapos
Tayo rin ay makakaraos

Sunday, March 10, 2024

Day 70 of 366: Kinakaya pa



Kung kelan malapit na
Tsaka may aberya
May kumirot sa tagiliran
Akin nang iniinda
Kung kailan naman
Isang bagay nangangailangan
Nang aking isang daang porsyento
Biglang nagsunod sunod
Sana naman magbunga
Luha't pagdurusa 
Kahit mismong katawan
Ay bumibigay na
Pag lahat ay natapos na
Nais ko nang isang linggong pahinga 

Saturday, March 9, 2024

Day 69 of 366: Nice



Wala naman akong ginawa
Sa maghapon na nagdaan
Binawi nag tulog nang sobra
At lumuwag ang paghinga
Ito ang kaunting kalma
Bago dumating ang bagyo na
Alam kong gugulo ng damdamin
Kaya kapayapaan aking daramhin

Friday, March 8, 2024

Day 68 of 366: Matapos na lang


Palapit nang palapit sa bawat direksyon
Binabalik balikan ang bawat desisyon
Pinag iisip isipan ang gagawing aksyon
Pasikip nang pasikip ang dibdib sa tensyon

Isang gawain na naman
Kailangang tugunan
Maliliit na hakbang
Hanggang katapusan
Unti unting uusad
Kahit lakad makupad
Mabilis iraraos
Ang mga dapat matapos

Thursday, March 7, 2024

Day 67 of 366: Bubog sa daan


Sa bawat pyesang nabiyak
At luhang pumapatak
Mabibigat na suliraning
Mananatiling daramhin
Bawat kalingkingang
Aking iniinda
Ay magbubunga
Nang higit higit pa
Kaya usad lamang
Kahit bawat hakbang
Ay may bubog sa daan
Matatapos din ito
Magtatagumpay rin ako
Marami pa kong matutuklas
Sa mga paparating na bukas

Wednesday, March 6, 2024

Day 66 of 366: Wala muna



Wala munang mga salita
Ang aking mabibira
Nais ko muna makapahinga
Bagama't isip ay pagod na 

Tuesday, March 5, 2024

Day 65 of 366: Kaunti pa




Kaba na nadarama
Asidong umaakyat
Sa aking lalamunan
Hirap ang paghinga
Kamay nanginginig
Tenga'y nabibingi
Pag ubo'y malutong
Sa delubyo salubong
Nandito rin ako noon
Kabado sa pagkakataon
Ngunit wala na akong maidadahilan
Na ako'y isang hamak na baguhan
Kaya sana sa parating 
Ay maging mabait sa akin
Gagawin lahat naman
Para sa magandang kahihinatnan

Monday, March 4, 2024

Day 64 of 366: Isang taon ang nakalipas




Isang taon nakalipas
Ako ay nasa ibang lugar
Ibang bagay pinoproblema
Ibang bagay inuunawa
At hindi ko nga malaman 
Paano ako nakausad
Mula sa kinasadlakan
Na akala ko ay huli na
Oo, ngayon pagod ako
Kabado at maraming iniisip
Pero isanh taon noon
Ito ang posisyon na aking ninanais
At ngayon may problema mang dala
Masasabi ko na ako ay masaya
Dahil isang taon ang nakalipas
Hindi ko inisp na mayroong bukas

Sunday, March 3, 2024

Day 63 of 366: Sa Isang Araw



Sa isang araw na ito
Hindi ako, ako
Isa lamang akong mamamayan
Na masayang
Naaagusan ng tubig 
Sa maliit na pwestong ito
Dinarama ko ang lamig ng hangin
Kasabay ng init ng tubig
Habang nagkikipagkwentuhan
Sa mga tito at pinsan
Isang araw lang na hindi ako, ako
Hindi ko kailangan
Maging pinaka responsable
O kaya ang mamuno ng lahat
Pwede akong maging ako
At ayun lang naman
Ang mahihiling ko
Maraming pagkakataon
Na kailangan ako ng lahat
Pero sa isang araw na to
Ibang tao muna ako

Saturday, March 2, 2024

Day 62 of 366: Pamilyar na Daan



Posible bang maligaw 
Sa pamilyar na daan
Yung dinadaanan mo araw araw
Sabay bigla kang mawawala
Gamay mo naman pasikot sikot
Pero isang araw ika'y nakalimot
Kaya akala mong alam mo na
Bigla sayong mawawala

Siguro ganun din
Sa mga bagay sa mundo
Kahit isang milyong beses 
Mo na ginawa isang bagay
Isang pitik ng pagkakataon
Marahil magkamali ka
At ayos lang yun
Kasi tao ka

Normal maligaw sa pamilyar na daan
Normal magkamali sa akala'y nakasanayan
Marahas na ang mundo 
Wag mo na gawin sa sarili mo

Friday, March 1, 2024

Day 61 of 366: Glad


If I gave up everything last year
Would I be enjoying such view
If my demons got the best of me
Where would I have been?
I wonder how life is 
For the people around me
Are things different for them?
Seeing what I'm doing now 
And meeting the person of my dreams
I'm glad I never gave up
I'm glad I held on