Tinatamad ako gumawa ng tula today kaya share na lang ako nito
Kakapanood ko lang sa kaniya kagabi kasama mga kapatid ko bale gusto ko yung movie tbh. It's good for me and I would go so far calling it better than the original. Pero di sya perfect movie. Pero that's just my opinion.
Okay si Toni at Pepe Herrera. Nakuha nila yung charm ng original movie. Less violent at physical yung female lead, si Sheena Baltazar, sa movie at may pangalan sya here for some reason na wala sa original. Ang best change na ginawa sa leads ay binigyan ng motivation and character yung lalaking bida, si Junjee. Sa original kasi engineering student sya and nothing more said about him. Dito kasi Caregiver siya na may aspiration mag Canada kasama mama nya sa future, which in reality marami talaga nag papractice na ganun.
Okay performance nila and pag funny matatawa ka talaga, pag emotional moments medyo flat minsan pero nadadala ni Toni and Pepe naman. Nadala ni Toni yung dynamic character ng original at si Pepe naman mas binigyan niya ng buhay ang character na basically punching bag lang talaga.
I like how they changed some things para better fit sa current generation and Filipino context. The original movie was in 2001 so some things are products of its time talaga. Less violent and physical ang female lead sa movie na to, yung caregiver aspirations ni Junjee ay observed naman talaga sa pilipinas, yung tarpaulin ni Junjee pagpasa nya ng boards ay very Gen Z humor, and many more.
Mas may focus din ang movie na to for me at inomit niya yung ibang scenes na baka iba dating today. Like dalawang beses nakulong yung bidang lalaki sa original movie at nabugbog pa sya sa selda at yung obsession nya sa random girl na nakita nya on the street.
Ang hindi ko gusto sa pelikula ay emphasis sa extras during comedic scenes. I feel like kaya naman dalhin ni Toni at Pepe ang scenes especially sa train scenes. May ganun din sa original pero not too much and distracting na. Sila yung masasabi ko na "cringe" sa pelikula. Di ko lang talaga sila trip, kaya gets ko bakit may mga nakokornihan sa movie. Pero as the movie goes by, nababawasan naman scenes nila and focus na sa bida kaya ayos na rin.
Ito yung romantic comedy na nakafocus sa comedy. Okay si Toni at Pepe Herrera individually pero wala sila masyado chemistry. Pero di mo na sya mapapansin masyado pag natatawa ko naiiyak ka na sa kanila.
Overall, feel good movie siya na tingin ko nasurpass yung original in some way. Kailangan mo lang maovercome yung cringe na extras sa unang part ng movie, after that (mga 15-20 mins I guess?), you'll have a great time.
No comments:
Post a Comment