Hindi ko alam pano ko nalampasan
Ang isang bagay na kala ko ay hudyat ng katapusan
Nung panahon na tila guguho na ang mundo
Nung hindi ko makita kinabukasan ko
Pero naalala ko pa
Kung paano ako gumapang bawat araw
Kung paano ako umiyak hanggang di makahinga
Kung paano ang mundo ay hindi na gumalaw
Ramdam ko pa rin ang panginginig
Kada panahon na may marinig akong sambit
Nang mga bagay na hindi ko ginawa
Ngunit ang hatol ay naipalo na
Unti unti ako'y umuusad
Kahit nakaraan ay nakalamat
Pilit inaabot ang mga tagumpay
Na nais ipagkait sakinh tunay
Marahil hindi na ako maghilom
Habang buhay itong iindahin
Ang akin lamang ay sama sa paglaon
Hindi ko na ito iindahin
Kung gaano sila kabilis nagsalita
Sana ganun din kabili akong nakawala
Pero kahit buhay ay sumasagana
Takot pa rin ay naglipana
Nahatulan ng walang paglilitis
Mag isang ininda ang bawat hinagpis
Hindi man lang nahingian ng paliwanag
Basta na lang binitawan
Kaya sa pagusad ko sa bagong yugto
Ay bibitawan ko na kayo
Malaya sa tanikala ng kahapon
Malayo sa mga nais sakin magtapon
Marahil may kaunti pa saking galit
Tampo at kaunting inis
Unti unti ko silang pakakawalan
Basta ituloy na sana ang katahimikan
Uusad ako na walang bagahe ng kahapon
Wala na ko pake sa nais paniwalaan nyo
Alam ko ang totoo at sa hindi
Siguraduhin niyong paninindigan niyo yan hanggang sa huli
Masyado atang mapait ang sulat ko ngayong gabi
Marahil ang pagod sa akin ay sumasakop unti unti
Pero pagaalala ay alisin niyo
Wala nang galit sa aking puso
Hayaan niyo lumakad at umusad
Umiyak, tamawa, makaramdam ng kagalakan
Sana ay tapos na ang yugto
Na pinaka mumuhian ko