Panahon ng kulimlim
Ay nagkalat na sinag
Na pista ng liwanag
Malawak na paligid
Panahon ay mainit
Hindi inalintana
Nang ikaw na ay nakita
Sa ingay ng mga tao
Pagsabog at tinis ng mikropono
Lahat ay tumahimik
At ikaw lamang ang inisip
Sa ilang mundo na pwede magtagpo
Ibinigay satin ang panahong ito
Sa unang pagkikitang tunay
Hudyat sa simula ng habang buhay
Sa pistang nakakasilaw
Ang nakita ko ay tanging ikaw
Sa patimpalak at punyagi
Nawala ako sayong mga ngiti
Masikip at mainit man ang pwesto
Nadadanggil at natutulak ng mga tao
Hindi ko na ininda
Sapagkat sa wakas katabi na kita
No comments:
Post a Comment