Pa rin akong nadarama
Ang sakit sa loob ay tila
Hindi nag hihilom pa
Ilang taon na rin nakalipas
Dumaan na ang maraming bukas
Ngunit nananatili ang bakas
Ng iniwan na alaala
Hindi ko na mga maalala
Ang itong tinig
At kahit anong pilit
Hindi ko na ito mawari
Ngunit isang panaginip
Sakin ay sumilip
At bigla kang nagpakita
Na tila ika'y buhay pa
Nakangiti ka sa akin
At agad mong sinabi
Na nagagalak ka
Sa naabot kong mga tagumpay
Ako'y yumakap nang mahigpit
At sa akin bumalik
Ang pakiramdam ng iyong yakap
Noong ika'y nabubuhay pa
At agad akong nagising
Yakap ang unan
Umiiyak, pabalik sa reyalidad
No comments:
Post a Comment