Friday, September 6, 2024

Day 250 of 366: Hangganan

Mga desisyon ngayo'y bumabalik
Lumang sugat na muling sumasakit
Maga nakalipas na desisyon
Mga natapos na aksyon
Ngayo'y pinagbabayaran ng leksyon
Kung sana'y nakinig
Nung una pa lamang
Hindi na sana humantong
Sa ganitong pagkakataon
Kung respeto sana ang nanaig
Wala sana ngayong iniisip
Ngunit hindi ganoon ang nangyare
Ilang beses napabigyan pa bale
Kaya tila nakampante
Sa pagsabog ng emosyon
Sari sari na ang reaksyon
Sana'y maayos at may magbago
Sana manatili kung may magbabago
Dahil kung wala man
Atin na lang tandaan
Na lahat ng tao sa mundo
Ay may hangganan

No comments:

Post a Comment