Hindi ko lubusan nauwaan
Ano ang takbo ng iyong isipan
Kung bakit mas pinili isakripisyo
Ang lakas at kalusugan
Ngayong mas kailangan
Ka namin dito
Iba ang presensya
Na merong isang ama
Yung alam mong may sasandalan
Sa anumang sakuna
Nawala ang haligi ng tahanan
Sapagkat sa kanyang pananaw
Mas mabuti siyang pumanaw
Imbis na lumaban
O kaya marahil pagod na rin siya
Sa dami ng kanyang pinagdaanan
Pero isa lang ang nasa aking isipan
Iba pa rin ang may amang natatakbuhan
Dahil hinahanap ko pa rin ang iyong papuri
Sa bawat tagumpay na nakakamit
Ngunit wala ka na talaga
Ikaw dapat ibininili
Ng mga nais mong gamit
Nakakahinayang lang
Na maaga ka nawala
Pero salamat na rin
At sa maigsi nating pagsasama
Ikaw ay tunay nag pakaama
Maligayang kaarawan tatay
Sisenta'y Dos ka sana ngayong araw