Timpi kinimkim
Wala namang kasalanan
Ngunit pinagbabayaran
Nawalang mga kaibgan
Akin nang pinabayaan
Basta hayaan akong manatili
Sa aking sarili
Malinaw saan nagmula
Mga sugat na iniinda
Bagama't nagpakilala
Bakas pa ang pangungulila
Sabay tingin sa kinabukasan
Na aking inaasahan
Liwanag sa kadiliman
Kailan mararanasan
No comments:
Post a Comment