Minsan ay natanong ako
Kung bakit madalas
Akong mataranta
Tila mataaas
Ang takot sa mundo
Sa di nangyayare pa
Bakit tila hindi ko
Mabitawan ang mga bagay
Na hindi ko maialay
Sa tadhana
At kasasadlakan ko
Kung bakit nais ko
Lahat ay kontrolado
Kahit konting hibla
Ay aking dama
Siguro marahil
Sa pagkakataong ako ay palihim
Na nagiging komportable
Ay biglaan namang
May nangyayari na hindi maganda
Pag nais ko maging kampante
Na lahat ay nakahanda
Biglaan namang
May darating na sakuna
Marahil sakit o kahihiyan
Na babagabag saking isipan
Kaya ako'y nagugulumihanan
Sa kung ano ba ang dapat panghawakan
Sa kontrol daw ako'y nakakasakal
Ngunit sa pagkakataong aking bitawan
Nagkaka loko loko naman
Baka kaya hindi ako nakatadhana
Na mabuhay nang payapa
Kailangan bantay lagi ang paligid
Laging bukas ang isip
Isang trahedya malamang
Na hindi na kakalma ang isipan
Ito ang pagbabayaran
Kung nais ko makaramdam
Nang kahit kaunting kaginhawahan
No comments:
Post a Comment