Tuesday, April 30, 2024

Day 121 of 366: Nakaraan

Maliwang ang kita 
Nabgay ang tiwala
Hindi nagpabaya
Kaya sa wakas nagbubunga
Nawa'y tuloy tuloy
Ang usad at daloy
Wag nang babalik
Ang mga nakasakit sakin
At sa unti unti kong pag angat
Sa tagumpay na pagtapat
Nawa'y maiwanan
Na aking nakaraann

Monday, April 29, 2024

Day 120 of 366: Grieve

A part of me died today
Regardless what I feel about it then
I'm glad it's something I let go
And I will never go back to it no more 
But I guess it's normal to grieve
Of the things we don't want anymore
But was a big part of you
Once a lifetime ago

Sunday, April 28, 2024

Day 119 of 366: Sight

Regardless of what will be said
Or what will be done 
I'll stick close to what I know
As lines have been crossed
You will never hear
Anything from me
As long as you leave me alone
But cross my line
Touch even a strand
Of my hair
You will regret
That you crossed my sight

Saturday, April 27, 2024

Day 118 of 366: Switch

And when things are falling into place 
You land flat on your face
And all the things that worked out before 
Comes crashing down once more
Just when you thought
It's over for the storm
Another surge comes right after
And takes all what you love 
And now broken and bruised
As a source of happiness flew
It'll take some time to recover
What I lost in this moment 

Friday, April 26, 2024

Day 117 of 366: Paligid

Maraming bumabagabag sakin
Na akala ko tapos na
Mga kaganapang iniinda pa rin
Na akala ko naghilom na
Dahil sa paulit ulit kong karanasan
Naging bilanggo ako ng nakaraan
At hindi lamang
Bunga ng aking isipan
Dahil kita sa kapaligiran
Mga kinatatakutan

Thursday, April 25, 2024

Day 116 of 366: Quicksand

Walls closing in
Eyes seeping
The land slowly
Sinks my feet in
Every place I go
Reminds me of long ago
Where I have been punished
For others sins
And the sky refuse to shine on me
As I stand here 
Caught up in the bleeding
Now every step I take 
Is a bomb ticking
Though I wish I could be free
From what is expected of me
I guess this is the price I pay
For chasing something
I thought I was ready
But maybe I am ready
But not in the way
That I can swallow it all
And even amidst my doubts
I would like to carry on
But now every move I make 
Is a reminder 
Of the things 
I didn't even do
I guess it bothered me
More than it should

Wednesday, April 24, 2024

Day 115 of 366: A Skipped Day

I guess it'll never be perfect 
Nor go the way we want
This minor stumble
Won't stop 
What we start

Tuesday, April 23, 2024

Day 114 of 366: Badtrip

Nabura yung tula
Na una kong sinulat
Bago itong isa
Kaya bahala na
Kung anong mahihinuha
Dito sa
Kasunod na kinatha
Basta ang sinabi ko dun
Ay tungkol sa anino 
Ay ayoko
Mamuhay sa ilalim ng isa
At nais kong makilala
Bilang ako
At Kung sino talaga

Monday, April 22, 2024

Day 113 of 366: Versions

I do exist in many forms
Living in different versions 
A great blessing to some
And a hassle to a few
Because despite all the things I do
Dissidents will come
As the path I trek toward 
The success upward
Will consist
Of stepping a few feet
And so I accept this diversity 
That I exist in this world differently 
I only wish someone to see me
As a person that I am today
And not as a projection that they have 
I am not an amalgamation of the past 
Nor the beacon of the future
I am simply the present 
And I hope that's enough 

Sunday, April 21, 2024

Day 112 of 366: Capacity

As all the pieces fall in place
And we have what we chased
I will hold it firmly 
But not to the point 
Where it feels choked 
I will caress it well 
Hold close, so it never leaves
And the day I wither 
And leave this world forever
May she be the reminder that I have
The capacity to love

Saturday, April 20, 2024

Day 111 of 366: On the Seventh Day

And on the seventh day 
After all the creation he made
God went on to rest
To show that even and almighty being
Can reach his limit
So why do we act
As if we're boundless
Tiredness is inexistent 
Maybe if the highest above all
Know what rest's worth
Maybe we should also

Friday, April 19, 2024

Day 110 of 366: Sobrang Inet

Paggising ay basang basa
Ng pawis sa aking kama
Sa may parteng kwelyo
Nanunuot ang banas at perwisyo
Maalinsangan sa pakiramdam
Tila nakakainis gumalaw
Matindi pa rin ang kainitan
Kahit lumubog na ang araw 
Sobrang banas 
At malagkit sa pakiramdam
Araw ay mababa o mataas
Damang dama ang alinsangan
Sabay kami pa ay yayabangan
Kesyo noong kanilang kapanahunan
Sanay silang babad sa initan
Kung di nila binutas ang mundo
Hindi naman mainit na ganito
Dapat sa mga ganun magsalita
Ialay, para naman umulan

Thursday, April 18, 2024

Day 109 of 366: Validation

Chasing the applause
Has always been frowned upon
And in any cause
Should be done with no clause
We do it for the people
The ones we serve and more
But sometimes we want more
What in their for ours in store
I'd like to receive some praise too
And learn the good things I do 
Because for me it's a stream
Of works with no meaning 
To get the validation 
That I'm doing something right 
Is sometime I crave for 
Not so often in this life

Wednesday, April 17, 2024

Day 108 of 366: Bahala kayo.

Sa sulok ng silid, magisa
Habang napapaligiran ng mga
Taong alam mo na
Hindi ka mabibigyan ng unawa
Madalas sa aking isipan
Mga nakaraang karanasan
Mga nakalipas na dahilan
Kaya mas niyakap ko kalungkutan
Dahil sa ilang beses na tawag
Na ako ay magpaliwanag
Ni isang hayag
Hindi ako naunawaan
Mga patawad na kalahati
Magkalimutan na lang bakasakali
Bawat patawad ng tao
Laging may kasunod na "pero"
Kaya kinulong
Ang sarili sa bahay at trabaho
Pero kahit saking pag iisa
May nasasabi pa sila
Kaya't iwanan niyo ako
Sa sarili kong mundo
Kung di mo kayang umunawa
Dahil hindi ako projection 
Ng mga bagay noon
Hindi ako sila
Lalong di ako iyon

Tuesday, April 16, 2024

Day 107 of 366: Unbound


The horror of curiosity 
Will always kill me softly
Like dull knife entering my body
It kills me very slowly 
Maybe I do wish to know
All the love you had before
But again in contempt
It make me think
You want them again
And I am merely a placeholder
Someone else in a different vessel
That in a room full of the ones 
That has been part of your romance
I fear you would not
Even give me a glance
But these are the my demons 
Not for you to console
Things I have to work on
So that we can get a move on

On so I suffer in curiosity 
I prefer this solemnity
Rather than the pain of knowing
I would rather subvert learning
I don't know what kind of reassurance 
That I can have at chance
But today I embrace 
What I fear to face
Healing was never a race
Simply in a dark place
But when I do get out
I can give love unbound 

Monday, April 15, 2024

Day 106 of 366: Mga Multo

Walang salita
Ang magdidikta
Nang nadarama
At iniinda
Multo ng kahapon
Na kala'y natapon
Biglang umahon
Muling naghamon
Minsang nalampasan
At kinayanan
Ngunit sa beses na pangalawa
Di ko alam hanggang saan
Ang kakayanin indahin
Ano pa ang kaya tanggapin
Sakit sana tanggalin
Ayoko na muli ito isipin

Sunday, April 14, 2024

Day 105 of 366: Mekanismo


Sa pag mulat ng mga mata
Pagod agad ay nadarama
Bawat sulok ng katawan
Ay mayroong iniinda
Init ng panahon
Sa balat tumutuon
Habang nag papaypay
Pagod ay sumasabay
Sa dami nang inaalala
Wala nang maalala
Ni isa sa kanila
Sarili'y kinikilala
Kung akk ba'y tao pa
Or parte na lamang
Ng isang malaking mekanismo
Isang maliit na turnilyo
Na bumubuo sa makinang
Tinatawag na mundo
Nawala na ba
Ang pagkatao
At ako'y umiikot
Lamang sa utos
Gawain at trabaho
Sana naman sa mga nangyayari
Ay magkaroon ako ng silbi
Hindi lamang para sa mundo 
Kundo para sa sarili 

Saturday, April 13, 2024

Day 104 of 366: It all worked out


Things did work out
Despite my deepest woes
And all my demons
Disappeared short ago
But damn I was hungry
With the heavy thinking
But nothing a supermeal
Couldn't solve being famished
So here I am in my room
Reminiscing the close to doom
Things worked out for the better
It's only my mind who made
Me worse for wear
Now I lie
And rest my mind

Friday, April 12, 2024

Day 103 of 366: Mali mali


Nangingilid saking mata ang luha
Pagkakamali'y nangingibabaw
Kamalian sa nakaraan
Ay unti unting lumilitaw

Sa sarili dismayado
Kada gagawing palyado
Maraming naabala
Dahil nakampante bigla

Kaya mula ngayon
Gigil ay aking ibabaon
Hindi ko bibitawan
Ang walang kasiguraduhan

Wala na akong aasahan
Maliban sa sarili
Ugali man ay may kasamaan
Mabuti na kaysa magkamali

Kapagod lang talaga
Maulit ulit mga kamalian
Alam kong di maiiwasan
Wag sana sa ganitong paraan

Thursday, April 11, 2024

Day 102 of 366: Kontrol.


Minsan ay natanong ako
Kung bakit madalas
Akong mataranta
Tila mataaas
Ang takot sa mundo
Sa di nangyayare pa
Bakit tila hindi ko 
Mabitawan ang mga bagay
Na hindi ko maialay
Sa tadhana 
At kasasadlakan ko
Kung bakit nais ko
Lahat ay kontrolado
Kahit konting hibla
Ay aking dama
Siguro marahil
Sa pagkakataong ako ay palihim
Na nagiging komportable
Ay biglaan namang
May nangyayari na hindi maganda
Pag nais ko maging kampante
Na lahat ay nakahanda
Biglaan namang
May darating na sakuna
Marahil sakit o kahihiyan
Na babagabag saking isipan
Kaya ako'y nagugulumihanan
Sa kung ano ba ang dapat panghawakan
Sa kontrol daw ako'y nakakasakal
Ngunit sa pagkakataong aking bitawan
Nagkaka loko loko naman
Baka kaya hindi ako nakatadhana
Na mabuhay nang payapa
Kailangan bantay lagi ang paligid
Laging bukas ang isip
Isang trahedya malamang
Na hindi na kakalma ang isipan
Ito ang pagbabayaran
Kung nais ko makaramdam
Nang kahit kaunting kaginhawahan

Wednesday, April 10, 2024

Day 101 of 366: Obra



Obra ng kung sino sino
Daan daang kwento
Kanya kanya likha
Iba ibang katha
Mula sa iba't ibang isip
Pininta, ukit, at igunuhit
Ano man ang obra
Kahulugan ay kakaiba
Maraming salita
Ang makakatha
Mula sa iisang litrato
Kaya ano pa kaya
Ang makukutsa
Sa gantong klaseng talento
Bagama't naiinggit
Sapagkat ako ay limitado
Obra ko ay salita lang
Na hinuhulma at hinahalo
Kaya saludo
Sa bawat mangguguhit
Pintor at mang uukit
Binigyan buhay ninyo
Ang hindi maaabot 
Ng mga salita ko

Tuesday, April 9, 2024

Day 100 of 366: Pang Isang Daang Tula



Pang isang tula
Sa iba't ibang paksa
Natuwa, nagalit at lumuha
Sari saring nararamdaman
Ang inilapat 
Sa dami nang pinagdaanan
Marami na ko nakalimutan
Hanggang ngayon naman
Halo halo pa rin sa isipan
May mga bagay pa nga
Na bumabaliktad ng kalamnan
Bagamat ganun ang pinagdaanan
Nandito pa rin naman 
Umusad kahit nahihirapan
Tuloy lamang ang paglaban
Kaya para sa ika isang daan
Na tula na aking inilapat
Nais ko magpasalamat
Sa mga naging paksa ng aking sulat

Monday, April 8, 2024

Day 99 of 366: USB C to USB A


Ganto pala pakiramdam
Kapag sarili ang inuuna
May kaunting dismaya
Sapagkat hindi pamilyar
Na napupunta sa iba
Ang mga pinaghirapan
Kaya kakaiba
Pag sarili ang inuna
Pero nais kong masanay
Maging makasarili
Kung saan hindi na iniisip
Ang ibang sasabihin
Nagagalak man ako
O sadyang nabigla
May nabili na ako para sa sarili
At sana ay tuloy pa

Sunday, April 7, 2024

Day 98 of 366: Hinga muna



Wala pa akong
Naiisip na likha
Na magandang ipakita
Isa ito sa mga araw
Na sadyang piga ako
Walang sining na naiisip
At walang ideyang maipilit
Sadyang ubos muna ako
Sa pagkakataon na ito

Saturday, April 6, 2024

Day 97 of 366: Tedious



Nothing bad or nothing good
Things are happening as they should
No chaos in sight
No bad thing that might
Happen to anything or anyone
Disaster happened to no one
And all are given equal chance
Far from what I'm used to
Things flow as they should
The peace was never calming
Since it was not a familiar feeling
But now I embrace the tedious
Instead of chasing chaos
And maybe
Just maybe
I deserve peace once in a while

Friday, April 5, 2024

Day 96 of 366: Sa sariling isip


Sa pag tahak ng landas
Na sa karaniwan ay labas
Tunay ngang mas mapanganib
Kalaban ang sariling isip 
Ang reyalidad ay may kabutihan
Piliin lang ang lilingunan
Pero mahirap takasan
Ang ipinipilit ng isipan
Pilit man lumaban
Patuloy lang magdurusa
Kaya imbis na kalma
Dalawang beses mo pa pinagdadaanan
Kahit sa katotohan
Wala naman dapat ipagalala

Thursday, April 4, 2024

Day 95 of 366: Magnum Opus personified



Maybe all the bleeding
That I was once feeling
Are all culminating
To this person I'm loving
She's the first ray of sunshine
After a gloomy rain
Glint of a rainbow
After a violent storm
Your first cup of water
In the morning after you wake
The first bite of food
After all day of work
Love was always abstract
Until she came into my life
My magnum opus personified
My greatest muse
Subject of my poetry
Breathing, pumping blood of my art
And all the great things in the world
Culminated into this person
How lucky am I
To live in the same 
Lifetime with her

Wednesday, April 3, 2024

Day 94 of 366: Ayos lang



Hindi na siguro matatahimik
Nang tuluyan ang aking isip
Dahil hindi naman nauubusan
Ang mundo ng kaguluhan
Parating palagi ang trabaho
Pahinga ay sadyang limitado
Hindi mo pa mabibili
Ang mga bagay na minimithi
Pero magkakaroon din naman
Nang kalinawan
Ang mga kaguluhan
Ngayong may liwanag na gumagabay
At mga sumusubaybay

Tuesday, April 2, 2024

Day 93 of 366: Alintana



Bawat sulok may iniinda
Katapusan ang di makita
Utak natataranta
Hirap makahinga
Hindi pa madama
Mga bagay na sinisinta
Nais makawala
Sa mga abala
Hindi makakalma
Maraming alintana

Monday, April 1, 2024

Day 92 of 366: April Fool's



Siguro kung madalas kang lito
Sa reyalidad ng mundo
Madalas nababalisa
Sa alin ba ang katotohanan 
At alin ang kalokohan
Nalason na ang iyong isip
Na isang aspeto lamang ang isipin
Isang panig na lamang
Ikaw magbubulag bulagan
At hindi ka na mag aabala
Kung alin ba ang nangyari talaga
Edi para sayo
Pangkaraniwang araw lang to