Baka naman wala talagang tamang oras o pagkakataon
Na nakalaan para sa kwento na ito
Baka kahit maghintay ako ng isang daang taon
Ay mauulit lang ang mga nangyari noon
Hindi sa mali o hindi tugma ang panahon
O kaya sabihin pa natin na masyado pang maaga
Hindi sa hindi pa tayo handa
Sadyang hindi tayo para sa isa't isa
Walang bituin sa langit ang nagdidikta
Wala sa mga guhit ng kapalaran
Kalokohan lahat nang nasa baraha
Dahil hindi naman talaga tayo ang nakatadhana
Baka sa libro ng pag ibig nating dalawa
Sa akin ay pinupuno mo ang ilang kabanata
At sayo na nakaakda
Ako ay isang simpleng pangungusap lamang
Wag ka naman mag alala
Walang pait o paninisi akong nadarama
Mabuhay na lang tayo sa reyalidad
Na walang kinabukasan na para satin nakalaan
No comments:
Post a Comment