Mahabang paglalakbay ang dinayo ng pirata
Mga yamang naipon mula sa bawat isla
Mga kaibigan na iniwan at nakasama
Ngunit sa kabila nang naipon na karunungan
Ramdam sa loob niya may kulang
Malawak na karagatan ang bahay ng sirena
Maaari siyang pumili sa libo libong isda
Ngunit walang pumapasa sa kaniya
Kaya sa mahabang panahon na namuhay siya
Ay mas minarapat na lamang niya magisa
Ang pirata ay maraming naimpok
Sa haba ng panahon na sa barko siya'y nagsubok
Kasamaha'y umusad na sa sari sariling buhay
Mula noon ang ating pirata ay nalumbay
Walang kapantay ang ganda ng sirena
Ngunit tila walang nakakakita
Karagatan man ay malawak ay walang kawangis
Alam ng sirena na siya ay may ninanais
Isang araw sa daungan ng barko
Ang ating malungkot na pirata ay naupo
Itinali niya ang angkla sa huling pagkakataon
At pinili niyang manatili sa tahimik na nayon
Niyakap niya ang kaniyang pagiisa
Kasama ang yaman na naipon nya
Dun naisip ng pirata, na aanhin niya lahat ito
Kung sa pag waldas ay wala siyang kasalo
Hanggang napadpad sa dalampasigan ang sirena
At madali siyang napansin ng pirata
Agad nitong napansin ang sugat sa braso
Na dulot daw ng isang salbahe na tao
Ginamot at tinapalan ng pirata ang sugat
Sabay ang sirena ay mariing nagpasalamat
Mula noon sila ay palaging nasa dalampasigan
At kung anu ano na ang kanilang pinaguusapan
Di tumagal tibok ng puso nila ay naging isa
Tila ang mundo ng pirata ay nagkahulugan
Pakiramdam nilang lumiit ang karagatan
Ang buong mundo ay nasa dalampasigan
Ninais na nilang magsama
Ngunit hindi ito ninais ng tadhana
Sapagkat pag ang sirena ay iniangat papunta sa lupa
Siya ay nahihirapan nang makahinga
Ito rin ang problema ng pirata
Na sa ilalim ng tubig hindi niya kinakaya
Sa gitna ng bagyong ito kanilang napagtanto
Na silang dalawa ay nasa magkaibang mundo
Sa maliit na dalampasigan sila na ay nakuntento
Inagaw ang maliliit na pagkakataon
Sapat na sa kanila at sa tadahana'y walang tampo
Ngunit hindi nila alam na ito'y magbibiro
Isang araw sa nayon ang pirata umubo
At kasama sa dinura niya ay mayroong dugo
Alam niyang bilang na ang oras niya sa mundo
Ngunit hindi niya masabi ang balitang ito
Dumalang na ang pagkikita nila
At tuluyang nag alala ang ating sirena
"Nawala na ba ang damdamin niya?"
Ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya
Naisip niya na kahit malawak ang karagatan
Ay hahanap hanapin niya ang pirata
Kaya kahit hirap siyang makausap sa lupa
Ay sinikap niyang humanap ng balita
Hanggang isang araw sa may dalampasigan
Ay dalawang babae na lumapit sa sirena
Inabot nila ang isang papel sa loob ng botelya
At dun na nagsimula tumulo ang kaniyang luha
"Pasensya na mahal kong sirena
Kung nababasa mo ito, mundong ibabaw ako'y wala na
Hindi ko ninais ang aking kinasadlakan
Sadyang masakit ang biro sa atin ng tadhana
Pero salamat na rin sa kaniya
At sa akin ipinakilala ka niya
Maigsi man ang ating pagkakataon
Binigyan mo ko ng habang buhay sa isang taon
At kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon
Ay hahanapin kita sa ibang panahon"
Tumulo sa dagat ang luha ng sirena
Sabay niyakap ang hawak niyang botelya
Lumangoy siya patungo sa pagsikat ng araw
At wala na muli sa kaniyang nakakita