Ikaw ang limang segundong kilig
At ilang buwan na dagdag kulay
Sapat na para tawaging pag ibig
Hindi ikaw ang habang buhay
Tumagal ng ilang taon pa ma'y
Alam ko ang meron tayo ay may hangganan
Hindi nakatakda sa kinabukasan
Hiniling ko na ikaw ang habang buhay
At sinubukan takpan lahat ng ingay
Natagalan at hindi naman agad
Pero mabilis sumipa ang reyalidad
Na mabilis dumaan ang kasalukuyan
At nakatingin na lamang tayo sa kahapon
Humiling naman ako kay Bathala
Sadyang iba lang ang kanyang tugon
Kaya alam kong hindi ikaw ang habang buhay
Ikaw ang bawat segundo, minuto, oras at araw
Masaya kang kasama sa bawat sandali
Kahit alam kong hindi ikaw hanggang huli
No comments:
Post a Comment