Sunday, February 2, 2020

33 of 366: Kung nung una

Sa pagninilay ng mga aksyon
may mga bagay na hindi maayos
ang kanilang kinahinatnan
pinapili kung lalaban o susuko
mas pinili kong sumuko
at sayo ay bumitaw
dahil noon akala ko
sa kanya ang buong kaligayahan mo
ngunit lumipas ang oras at panahon
hindi nauwi sa maganda ang inyong relasyon
agad ika'y lumapit sakin humihikbi
sinasabi ang kasalanan niya
na sarili mo isinisisi
kung gaano ko nakita ang saya sayong mga mata
ay ganun ko rin nakita gano gumuho ang mundo mo
habang isinasalaysay mo ang mga pangyayari
ay may mga katanungan na pumapasok saking isip
kung lumaban kaya ako noon
o kaya kahit umamin man lang
umabot kaya tayo sa punto na ikaw ay masasaktan?
sa akala kong tama kong desisyon
dalawang mundo ang gumuguho ngayon
kaya ngayon aking napagninilayan
kung nung una pa sana kita ipinaglaban
ay hindi ka na niya sana nasaktan
at ang konsepto mo ng pag ibig at romansa
ay hindi sana naguho ng tuluyan

No comments:

Post a Comment