Ang kandilang sinindihan ay ay namatay na
sa tagal ng panahon na ito'y nakasindi
natagalan man nito ang malalakas na ihip ng hangin
siya na rin ang kumitil sa sariling buhay niya
nawalan ng amoy ang mga bulaklak
napaltan na ng luha ang bawat halakhak
at sa pagbabalik sa mga lugar na nagdala ng galak
ay nagdudulot na ng sindak na tila may sibat sa puso na nakatarak
matagal na panahon na nga ang lumipas
kahit ang pinakamatingkad ay kukupas
sa pagitan ng pagkikita at paglisan
alaala na lang ang naiwan
mula sa "ikaw ang pahinga ko"
nauwi rin sa "pagod na ko sayo"
sa pagitan ng mga salitang binitawan
ay isang habang buhay na panghihinayang
No comments:
Post a Comment