Wednesday, July 31, 2024

Day 213 of 366: Looking for

For a long time
I wish to rest my mind
And simply
Let things happen as they are
As I can trust
Every words said
Every action meant
How I wish I found it
I guess I have a lifetime
Of looking for it

Tuesday, July 30, 2024

Day 212 of 366: Nakaraan

Bagama't mahirap ay unti unting sinimulan
Ang mga bagay na pilit nakasanayan
Mga bagay na matagal kong pinagaralan
Ngayon ay unti unti kong kinalilimutan
At habang unti unting nababawasan
Ang nakaraang pinagbalatan
Ay sakit sa kasu kasuan
Na dala ng pagbabagong kinakamtan
At sa pagbagsak ng bawat piraso
Ng nakaraang ako
Ay patuloy kong iindahin
Ang nakaaraang aking nais limutin

Monday, July 29, 2024

Day 211 of 366: Console

Maybe it's pointless 
Nor it never mattered
The value is nothing
Compared in the long run
But it makes me happy
As if I have a purpose
So if it's useless to you
It's invaluable to me

Sunday, July 28, 2024

Day 210 of 366: May masakit

At saking pag iinda
Nang sakit na nadarama
Maraming naiisip
Na akala ko'y
Naitago ko nang pilit
Sana' mawala na
Sakit ng katawan
At hindi na magbalikan
Alaalang iniwan

Saturday, July 27, 2024

Day 209 of 366: Bigo

Patuloy kong didismayahin
Ang naghahangad na masama
At tuluyan silang iinisin
Habang unti unting umuusad
Hindi na iindahin
Ang anumang sasabihin
Tuloy lamang ang buhay
Bagama't may matang nakatingin
Na nawa'y mabulag sana
Dahil anumang bigat nang ipinapasan
At kahit ano pang pagbintangan
Sakin ay maraming umaasa
Kailangan tulungan sa tuwina
Kaya tuloy lamang sa paglalakbay
At patuloy kayong bibiguin
Na sana may mangyari
Na masama sa akin

Friday, July 26, 2024

Day 208 of 366: Bagong umaga

At tulad nga nang sabi nila
Ang araw ay muling sumikat na
Bagama't ang daan ay basa
Ang langit ay maaliwalas
May kaunting banas
Sapagkat unti unting umiinit
At ang umagang akala'y di darating
Ay sa atin nakangiti

Thursday, July 25, 2024

Day 207 of 366: Tahimik

Sana tuluyan
Kong malisan
Ang isipan
Na lahat ay malala
Na lahat ay paguho
Na tila matatapos na mundo
Ayoko na isipin 
Ang mga bagay bagay 
Nais ko nang katahimikan

Wednesday, July 24, 2024

Day 206 of 366: Ulan

Sa lakas ng ulan
Hindi na magkarinigan
Takot sa bagyo
Samin ay namumuo
Naalala ko noon
Labing walong taon ang nakalipas
Bumaha sa amin
At hindi kami nakalikas
Tindi ng takot ay nanuot
Bawat bagyo at inaalala 
Lahat na gamit ay nakataas
At madalas kami naghahanda
Grabe rin pala
Ilang taon na ang nagdaan
Pero parang kahapon lamang
Nung bumaha

Tuesday, July 23, 2024

Day 205 of 366: "Technically"

Medyo nakakaasiwa
Pag tila nga ba
Na ginagawa kang tanga
Pilipit ng mga salita
Sabay ilalabas sa konteksto
Sa tunay na ibig sabihin nito
Sabay baluktot sa pangungusap
Tila tanga ang kausap 
Bakit kailangan
Sino ang nakinabang?

Monday, July 22, 2024

Day 204 of 366: It is what it is

I've put all things into place
And skipped ahead of the race 
And even with the myriad preparations
I find myself lost in translation 
Things I did to rush 
Was pointless too much
And with all the preemptive I made
Still now I make haste
Victim of the circumstances 
But it us what it is 
I cannot complain 
For these are the things
I need to do anyway

Saturday, July 20, 2024

Day 202 of 366: 202th

Despite a few triggers
Things are better
I like how I live
And become less reactive 
I guess those demons 
Never really go away
But what we can control
Is how we live beyond
The reality 
They wish to dictate 

Friday, July 19, 2024

Day 201 of 366: Ruthless

How I wish I can be as ruthless
As you all seem to me
Spreading all these things
Which is no concrete 
You damage what you see
And ravage what you cross 
Then act as if
You were the ones hurt here
Damned if I can be heartless 
And hurt those 
Who caused me to bleed
And burn everything and everyone 
Who crossed my path
But I will never be that person
I am not the monster 
You all made me seem
And slowly I will prove that
Show you all that you are wrong
And whether or not
I get my apology 
What matters is I live 
With the truth
And may all the evil eye 
On me go blind
Sour tongues may go dry
Hurtful hands
May paralyze
As the soul you all wish to drain
Comes back over and over again 
One day truth will prevail
And till that day comes 
I will remain do my best 
To prove you all
Made a mistake

Thursday, July 18, 2024

Day 200 of 366: Bigat

Medyo nakakadama
Nang bigat na di maipaliwanag
Tila walang nais na gawin
Pagod na sa dapat sabihin
Umay na magpaliwanag
At bawat paguusap
Ay nakakaubos nang lakas
Hindi ko alam ano ang nais
Ngunit malinaw lamang sa akin
Na hindi ako masaya
Pagod ay hindi maipaliwanag
Hindi ko na alam
Anong klaseng pahinga 
Pa ba ang kailangan 

Wednesday, July 17, 2024

Day 199 of 366: Sura

Nakakapagod pala
Kapag paulit ulit na
Ngunit tila
Ang pagbabago na
Laging inaasam
Ay malayo pa sa katotohanan
Ay paulit ulit ka pang
Pagtatawanan
Dahil hindi niya
Lubos maunawaan
Na may mga bagay 
Na sayo ay masakit
Pero sa kanya
Wala lamang ito

Tuesday, July 16, 2024

Day 198 of 366: Mabigat sa Mata

Pagod ay nadarama
Katawan ay iniinda
Kasu kasuan ay mabigat
Tila may nakapatong sa balikat
Mga bagay na imbis na
Sakin ay makagaan
Ay pilit pa
Sa akin ay dumadagan
Sa sarili ay natatawa
Kung paano ba
Ko lahat kinakaya
At sa pagsibol nang
Bagong umaga
Lahat ay maayos na

Monday, July 15, 2024

Day 197 of 366: Tiwala

Humihiwa ang salita
Sa sugat na akala'y nakasara
Para pang ginagawang tanga
Sa paliwanag na iba iba
Oras nasasayang
Sa paliwanagan
Kaya mananahimik na
Para sa katotohanang nais madama
Dahil bakit tila kailangan
Alamin bawat pangungusap
Mahirap maniwala
At tiwala'y nasisira

Sunday, July 14, 2024

Day 196 of 366: Sementeryo ng mga namatay na pagsasama

Bawat lapida
Ay may pangalan
Ng mga lubusan
Kong pinakisamahan
Hanggang ngayon tila 
Ay iniinda
Ko pa rin ang kanilang 
Pagkawala
Malamang may katagalan
Pa akong magluluksa
Pero ano bang magagawa
Nangyari na

Saturday, July 13, 2024

Day 195 of 366: ulit

Hindi naman tumahimik
Ang mga boses sa isip
Madalas pa panghinayangan
Ang mga bagay na nagsiwalaan
Ngunit walang magagawa
Kung lahat ay aking iinda
Kaya maghahanap na lamang
Nang mga bagong libangan
At sana sa paghahanap
Ay may makitang liwanag

Friday, July 12, 2024

Day 194 of 366: Sabado

Unti unting nahahanap
Ang kadahilanan
Ang pinaglalaanan
Ng lakas at katatagan
Bawat araw na lumipas
Ay ikinakasaya
Bagama't may kulang 
Hindi na iniinda
Hindi na ako
Nabubuhay para sa sabado

Thursday, July 11, 2024

Day 193 of 366: Sa tahimik

Sa tahimik
Ako ay payapa
Walang iniinda
Walang inaaalala
Hindi nag aalala
Kung may nasabing mali ba
Or hindi umaabot talaga
Ang mga salita
Hindi rin ako dismayado
Sa paligid at mga tao
Wala naman akong inaasahan
Dahil wala naman pinagsabihan
Dahil sa katahimikan
Baka mas lubos akong maunawaan
Kaysa sa mga salita
Na binabaluktot lamang

Wednesday, July 10, 2024

Day 192 of 366: Hangarin

Sa liwanag na hinanap
Na tila walang kapaguran
At sa pangarap na hindi akalang makakamtan
Sa kabila nang mga ininda
Lumisan at nawala
Nandito ka pa
At mananatiling dito ka rin
Hanggang sa maabot
Ang mga hangarin

Tuesday, July 9, 2024

Day 191 of 366: Lala

Bagama't bahagya
Na pumabor ang tadhana
Ang kinatatakutang malala
Ay maliit lang pala
Ngayo'y nahihiya
At nadadala
Dahil imbis na nalampasan
Dalawang beses ko pa nga 
Siya pinagdaanan
Kahit sa realidad
Hindi naman ganun kalala

Monday, July 8, 2024

Day 190 of 366: Lampas

Marahil hindi ako ipinanganak
Upang maunawaan ninuman
At lakat nang pagkakaunawa
Sakin ay iba iba
Siguro'y mali na ako'y umasa
Na aking kapasidad umunawa
Ay mayroong tutugma
Dahil nakikita ko yan lahat
Bawat hibla ng pangungusap
Bawat hinimay na parirala
Lahat nang hindi tumutugma
Aking napupuna
Ngunit hindi na ako magsasalita
Bahala na saan mapunta
Walang kaalaman sakin ang lingid
Masugid lamang akong mag iisip

Sunday, July 7, 2024

Day 189 of 366: 7.7

Aaminin ko naman
Na hindi maganda
Ang pagsisimula 
Ng linggong ito
At aminadong dismayado
Medyo palyado
Inis masyado 
Kaya napalinis nang todo
Pero hindi ito indikasyon
Na susunod na linggo ay malala
O kaya naman plakda na agad
Dahil may kagandahan
Sa mga munting dahilanan
Maliit na bangga lamang
Ito sa malaking plano
Kaya ako ay kakalma
Ay magpapadala sa agos

Saturday, July 6, 2024

Day 188 of 366: Linis

Nakapaglinis
Kahit papaano
At akalain mo yun
Nakaluwag sa pakiramdam

Friday, July 5, 2024

Day 187 of 366: All on you

You always knew what you had
And was complacent 
That things will stay that way
You stepped over her many times
Complained when you got called out
Made excuses many times
Always figuring out
What you can get away with
And now she woke up
Seeing you as the loser she is
You act as if love 
Had never walked your doorstep 
When in fact
It has always
Been staring you straight in the eye
But you refused it
So now you sit alone
Desperate and longing
For the million chances given
You decided you still needed
A millionth and one
The funny thing is
This is all on you

Thursday, July 4, 2024

Day 186 of 366: Reyalidad

Kahit may iniinda
Tuloy ang arangka
Damang mas lumalala
Ngunit kinakaya
Para lamang
May mapatunayan
Na ako ay higit
Sa sinasabi nila
At lahat nang boses
Pilit naninira
Ay walang halaga
Laban sa reyalidad
Na aking ginagawa

Wednesday, July 3, 2024

Day 185 of 366: Tulog

Hindi ipinaagkait
Ngunit kulang susumahin
Na kahit anong pilit
Kulang pa rin sakin
Magdamag nakamulat
Gising ang diwa
Sana maaga makauwi
Para tulog ay mabawi

Tuesday, July 2, 2024

Day 184 of 366: Liwanag

Kumalma nang kaunti
Ang aking isip
Sapagkat ang mga kinatatakutan
Ay isa isa kong nalampasan
Bagama't mayroon pang
Suliraning dapat ayusin
Mariin ko silang haharapin
Para sa kinabukasang para sa akin

Monday, July 1, 2024

Day 183 of 366: Mabigat

Mabigat ang mata
Sa katawan may iniinda
Braso may kabigatan
Masakit kasu kasuan
Tulog ay higit sa otso oras
Ngunit tila minuto lang lumipas 
May makirot sa bunbunan
Antok at lumalaban
Sa panahong delubyo ang higit
Inaatake ang katawan ng isip
Sa gitna ng kapaguran
Hindi ko na malaman
Anong pahinga ang kailangan